![]()
Nagpalitan na ng “I Dos” ang aktres na si Rere Madrid at basketball player na si Kai Sotto.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rere ang video ng kanilang kasal ni Kai sa Neri’s Secret Garden sa Alfonso, Cavite, kung saan ang nag-officiate ay si Mayor Randy Salamat.
Kabilang sa mga naispatang dumalo ay ang kuya ng aktres na si Ruru Madrid, girlfriend nito na si Bianca Umali, at Parokya ni Edgar na may pa-surprise jam sa reception.
Pinasalamatan ni Rere ang Panginoon sa magandang biyaya na naranasan nila ngayong taon.
Aniya, bagaman dumaan sila ni Kai sa mga pagsubok, misunderstandings, at mga taong nais sirain kung anong mayroon sila ay pinili pa rin nilang dalawa na magtiwala sa isa’t isa.
Taong 2024 nang i-hard launch nina Rere at Kai ang kanilang relasyon sa GMA Gala.
