![]()
Nakapag-secure ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF), ng 236.64 billion yen o nasa ₱94 billion na loan mula sa Asian Development Bank (ADB) bilang financing support.
Ito ay upang mapagaan ang epekto ng krisis sa Middle East sa mga commuter, vulnerable sectors, at overseas Filipino workers (OFWs).
Inihayag ng DOF na nilagdaan ni Finance Secretary Frederick Go ang financing deal para sa Assistance for Greater Resilience and Alleviation of Poverty (AGAPAY) noong Oct. 6.
Ayon sa ahensya, popondohan ng loan ang budgetary support para sa mga hakbang ng gobyerno upang tugunan ang economic shocks at oil supply disruptions na dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
