![]()
Isinumite na ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kanilang rekomendasyon para sa apat na kaso kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects sa Davao.
Kasabay nito, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na patuloy pa ang imbestigasyon nila sa iba pang mga proyekto sa Bulacan at iba pang district offices.
Idinagdag ni Matibag na patuloy nilang tinutukoy ang mga responsable sa mga sinasabing anomalya at kung anong paglabag ang kanilang isasampa.
Nangako ang opisyal na ipagpapatuloy ang pagbusisi sa bawat proyekto upang mapanagot ang mga may pananagutan.
