dzme1530.ph

FORMAL OFFER OF EVIDENCE, NAISUMITE NA NG HOUSE PROSECUTION PANEL SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Naisumite na ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court ang kanilang formal offer of evidence sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Prosecution Adviser Robert Ace Barbers na isinumite nila ang formal offer of evidence noong Martes ng gabi kasama ang bank, tax at corporate records.
 
Ito ay ilang araw bago ang October 23 deadline na ibinigay ng korte habang binigyan din ang defense panel ng sampung araw para mareview ang mga dokumento ng prosekusyon.
 
Magre-resume naman ang impeachment trial sa November 9 kung saan sisimulan na ng depensa ang paglalatag nila ng mga argumento.

About The Author