![]()
Welcome victory sa paglaban sa transparency at accountability para sa pera ng bayan ang ruling ng Supreme Court sa unprogrammed appropriations o UA.
Ikinasiya ito ni Mamamayang Liberal Rep. at House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima, bilang co-petitioner sa consolidated cases.
Umaasa ang mambabatas na sana tuluyan nang i-abolish ang UA sa taunang budget dahil ginagamit itong palusot ng ehekutibo at maging ng Kongreso sa pagbuo ng national budget.
Para kay de Lima, ang ruling ng SC ay babala sa mga nagsasabwatan at nagbabalak pang abusuhin ang UA para sa pansarili at pampulitikang interes.
Nagsimula umano noong 2022 General Appropriations Act (GAA), naging uncontrolled ang UA bilang “holding area” ng pork ng mga mambabatas, lumikha ng artificial fiscal space, at i-redirect ang daan-daang bilyong pisong pondo para sa pet allocations.
Tinukoy din ni de Lima ang babala ng Korte Suprema sa “doctrine of operative fact” na hindi ito pananggalang para takasan ang pananagutan ng may pakana, proponents o implementor ng UA schemes, lalo na kung ito ay ginawa “in bad faith.”
