dzme1530.ph

MASTERMIND SA FLOOD CONTROL ANOMALIES, DAPAT NANG MATUKOY

Loading

Umaasa si Senador Imee Marcos na tuluyan nang matutukoy ang mastermind sa anomalya sa mga flood control projects.
 
Ito aniya ay dahil tiwala siyang magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang bagong komposisyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
 
Sinabi ni Marcos na dapat ay kasuhan ang tunay na mastermind sa likod ng katiwalian sa flood control projects at hindi lamang nakatuon sa mga senador.
 
Iginiit ng senador na halos isang taon nang iniimbestigahan ang anomalya subalit maliliit lang ang mga nakakasuhan na ilang junior na opisyal ng DPWH at mga contractors sa proyekto.
 
Lumilitaw aniya na napag-utusan lamang ang lahat ng mga nakasuhan ng itinuturong mastermind.
 
Sa pagpapatuloy aniya ng imbestigasyon ay dapat na tumbukin kung sino ang nag-utos o kung sino ang mastermind at hindi ang mga senador na idinadawit sa anomalya sa flood control na wala namang talagang kinalaman dahil nagmula ang insertion sa mga kongresista.

About The Author