dzme1530.ph

PANUKALANG “BASURA TO AYUDA ACT,” ITINUTULAK SA KAMARA

Loading

Isang panukala na naglalayong i-institutionalize sa buong bansa ang trade recyclable household waste for cash at essential goods ang isinulong.
 
Sa ilalim ng HB No. 11146 o “Basura to Ayuda Act” na inakda ni Quezon City 5th Dist. Rep. Patrick Michael PM Vargas, bibilhin ng gobyerno ang mga basura o non-hazardous recyclable materials na iipunin ng bawat household, homeowners associations at civic organizations sa paraan ng point system.
 
Ang points na maiipon ay maaaring palitan ng bigas, groceries o cash.
 
Inamin ni Vargas na naengganyo siya sa ganitong programa ng Quezon City na naging matagumpay sa pagbawas sa basura.
 
Sa panukala, inaatasan ang DENR, DA at DTI para ilatag ang standardized trade-in centers nationwide para matiyak ang consistent exchange rates sa mga komunidad.
 
May cash reward ding naghihintay sa sinumang magre-report ng hazardous waste, para sa ligtas na kapaligiran.
 
Sa datos ng DENR, may 61,000 metric tons ng basura sa bansa araw-araw, at ito ay kasingtaas ng 20 palapag ng gusali.

About The Author