dzme1530.ph

Latest News

NSC, binalasa ng Pangulo; VP at mga dating Pangulo, tinanggal bilang mga miyembro

Tinanggal na ang Bise-Presidente at mga dating Pangulo ng Pilipinas bilang mga miyembro ng National Security Council. Ito ay sa Executive Order no. 81 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nag-utos ng paglabasa sa NSC. Sa ilalim ng kautusan, mananatiling Chairperson ng NSC ang Pangulo ng Pilipinas, habang magiging mga miyembro pa rin ang […]

NSC, binalasa ng Pangulo; VP at mga dating Pangulo, tinanggal bilang mga miyembro Read More »

DOLE, tutulong sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepisyaryo sa conditional implementation ng AKAP

Tutulong ang Dep’t of Social Welfare and Development sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepisyaryo, sa conditional implementation ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DOLE Usec. Benjo Benavidez na sa bisa ng convergence program o pakikibahagi sa pagpapatupad ng AKAP, tutulong ang DOLE sa Dep’t of

DOLE, tutulong sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepisyaryo sa conditional implementation ng AKAP Read More »

Hinihinalang Chinese underwater drone na natagpuan sa Masbate, ginagamit sa surveillance kaya’t may implikasyon sa national security

Ginagamit sa reconnaissance at surveillance o pagkalap ng impormasyon ang natagpuang hinihinalang Chinese underwater drone sa Masbate, kaya’t may implikasyon ito sa National Security. Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni National Security Council Spokesperson Asst. Director General Jonathan Malaya na lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ito ay isang unmanned drone. Kaugnay dito,

Hinihinalang Chinese underwater drone na natagpuan sa Masbate, ginagamit sa surveillance kaya’t may implikasyon sa national security Read More »

GSIS, naglaan ng ₱8.6-Billion para sa emergency loans

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng halos ₱8.6-Billion na halaga ng emergency loans para mga miyembro at pensioners sa Luzon na naapektuhan ng mga bagyo. Sa statement, inihayag ng GSIS na saklaw ng naturang pigura ang 363,547 active members at old-age and disability pensioners na sinalanta ng mga nagdaang bagyo. Sa ilalim ng

GSIS, naglaan ng ₱8.6-Billion para sa emergency loans Read More »

Insidente ng ligaw na bala sa Metro Manila, bumaba ng 50% sa gitna ng pagsalubong sa bagong taon

Mas ligtas ang naging pagdiriwang ng Pasko at bagong taon sa Metro Manila, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ito’y makaraang bumaba ng 50% ang mga kaso ng ligaw na bala sa NCR kumpara sa holiday season sa nakalipas na taon. Sa statement, inihayag ng NCRPO na bumaba rin ng 28% ang firecracker-related

Insidente ng ligaw na bala sa Metro Manila, bumaba ng 50% sa gitna ng pagsalubong sa bagong taon Read More »

Carlos Yulo, itinanghal bilang 2024 PSA Athlete of the Year

Kinilala ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo bilang 2024 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association para sa kanyang gold performance sa 2024 Paris Olympics. Naging overwhelming choice si Yulo sa naturang pagkilala dahil sa pag-uwi nito ng dalawang gintong medalya para sa Pilipinas matapos mamayagpag sa floor exercise at vault apparatus events

Carlos Yulo, itinanghal bilang 2024 PSA Athlete of the Year Read More »

DMW, tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa OFW sa Kuwait

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng overseas Filipino worker sa Kuwait na unang napaulat na nawawala. Sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na sa ngayon ay mahigpit nilang minomonitor ang kaso, at ang suspek ay nasa kustodiya na ng Kuwaiti authorities. Aniya, mayroon na ring abogado

DMW, tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa OFW sa Kuwait Read More »

Passenger traffic sa NAIA, pumalo sa record-high na mahigit 50 million noong 2024

Umabot sa 50.1 million ang passenger traffic sa Ninoy Aquino International Airport. Binasag nito ang lahat ng dating records, matapos malagpasan ng travel demand ang pre-pandemic levels. Sa pahayag ng San Miguel-led New Naia Infrastructure (NNIC), mas mataas ng 5% ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa naia noong nakaraang taon. Kumpara ito sa pre-pandemic

Passenger traffic sa NAIA, pumalo sa record-high na mahigit 50 million noong 2024 Read More »

Congressional insertions sa 2025 budget, dadaan sa mabusising proseso bago ilabas

Dadaan sa mabusising proseso bago ilabas ang Congressional insertions sa ₱6.326-T 2025 national budget. Ito ay sa harap ng panawagan ni former Sen. Franklin Drilon na i-classify na “for later release” ang Congressional insertions, upang tiyaking hindi ito magagamit sa 2025 midterm elections. Sa veto message ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakasaad na ang

Congressional insertions sa 2025 budget, dadaan sa mabusising proseso bago ilabas Read More »