![]()
Nagbabala si Private Prosecutor Lorna Kapunan sa mga posibleng gawing taktika ng mga abogado ni VP Sara Duterte para ma-delay ang verdict.
Ayon kay Kapunan, maaaring kuwestiyunin ng defense team sa Korte Suprema ang 30-day defense period sa presentation ng witnesses.
Maaari rin umanong biglang magpresenta ng prenuptial agreement ang mga abogado ni VP Duterte, bilang pantakip sa naungkat na kayamanan ng kabiyak nitong si Atty. Manases Carpio.
Puwede rin umanong sakyan ng mga senator-judges ang pagkontra ng Duterte defense team sa ginawa ng prosekusyon na i-withdraw ang tatlong impeachment charges.
Lahat ng ito, ayon kay Kapunan, ay posible bilang paraan o taktika para patagalin ang hatol sa bise presidente.
Sa obserbasyon ng abogado, ang ginagawa ngayon ng Duterte camp ay ipakalat ang distrust na siyang gagamiting isyu para dumulog sila sa Korte Suprema gamit ang isyu ng “grave abuse.”
Dahil diyan, pinaghahandaan na ng prosekusyon ang mga ganitong scenario.
