![]()
Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang plunder case laban kay dating Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, bunsod ng kakulangan ng ebidensya.
Sa kabila nito ay nananatiling nahaharap ang dating mambabatas sa tatlo pang counts ng graft.
Kinasuhan ng Ombudsman si Gonzales matapos paratangan bilang contractor habang nakaupo bilang kongresista.
Una nang naghain ang dating mambabatas ng ₱270,000 na piyansa para sa tatlong counts ng graft.
Nanindigan si Gonzales na itinigil niya ang mga aktibidad bilang contractor nang manungkulan siya sa pamahalaan.
