![]()
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na hindi lamang dapat pag-alala ang gawin sa mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes’ Day.
Sinabi ng Pangulo na umaasa siyang bubuhayin ng mga Pinoy ang kanilang tungkulin sa bansa na pangalagaan ang ipinaglaban at isinakripisyo ng mga bayani para sa ating kalayaan, dignidad at pundasyon ng republika.
Binigyang-diin ni PBBM na mabibigyang pagkilala ang katapangan ng mga bayani sa pamamagitan ng pagpapanatili ng patriotism at pagmamahal sa bayan.
Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo na maipapakita din ng bawat isa ang kabayanihan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, pagbibigay proteksyon sa mga bulnerable at pagpapakita ng katapatan sa bawat aksyon.
