![]()
Pinarusahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang ilang onion importers at traders dahil sa cartel behavior na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng lokal na sibuyas sa ₱800 per kilo noong 2022.
Pinagmulta ng PCC ang mga respondent ng record na ₱1.76 billion.
Kabilang sa mga kinasuhan dahil sa paglabag sa Philippine Competition Act ang isang freight forwarder, isang cold storage operator, at iba’t ibang onion importers, pati mga opisyal at may-ari ng mga kumpanya.
Sinabi ng competition watchdog na sa pamamagitan ng isinagawang raid noong Sept. 2023, alinsunod sa atas ng korte, nadiskubre na sistematikong nag-apply ang freight forwarder ng import clearances gamit ang magkakahiwalay na corporate identities.
