dzme1530.ph

CHINESE AMBASSADOR JING QUAN, IPATATAWAG NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR KAUGNAY SA PAGBABANTA SA BANSA

Loading

Ipapatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Jing Quan.

Ito ay makaraang aminin ng Pangulo na maituturing na pagbabanta ang naging pahayag ni Jing na madali silang mananalo kung magkaroon ng conflict ang Pilipinas at China.

Ayon kay Marcos, ang pahayag ni Jing ay hindi maituturing na diplomatic statement.

Aminado rin ang punong ehekutibo na ang usapin ay nangangailangan ng diskusyon sa pagitan niya at ng ambassador.

Una nang umalma ang Department of Foreign Affairs sa naging pahayag ni Jing.

Sa pahayag ng DFA, inamin nilang nakalulungkot ang mga piniling salita ng Chinese Ambassador na nagmistulang pagbabanta.

About The Author