![]()
Buo pa rin ang pag-asa ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na makakabangon ang mga binahang komunidad sa lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ni Dizon na matagal nang nagdurusa ang Hagonoy, Calumpit at Paombong sa pagbaha dahil sa low-lying locations.
Nadagdagan pa anya ito ng pambababoy ng ilan sa mga proyektong dapat ay nakatulong sa kanila.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy nilang pagsisikapang ayusin ang mga naturang lugar.
Ipinaliwanag ni Dizon na patuloy ang paglala ng flooding situation sa mga naturang lugar dahil ang mga solusyon para sana sa mga ito ay hindi naipatupad.
Bumabalangkas na anya sila ng mga plano upang masolusyunan ang pagbaha kabilang na ang pagbuo ng detention basins na magiging imbakan ng tubig.
