![]()
Makatatanggap ang celebrated actor na si Al Pacino ng Lifetime Achievement Award para sa kanyang career achievements and humanitarian work sa susunod na taon, batay sa anunsyo ng actors’ union SAG-AFTRA.
Ang American actor na pinaka-nakilala sa kanyang pagganap bilang Michael Corleone sa “The Godfather” films ang 62nd recipient ng SAG-AFTRA Life Achievement Award.
Igagawad ang award sa Los Angeles sa 33rd Actor Awards sa Feb. 28, 2027, bilang bahagi ng seremonya na mapapanood nang live sa Netflix.
Ang pagkilala kay Al Pacino ay sumusunod sa isang career na tumagal ng mahigit anim na dekada sa pelikula, telebisyon, at entablado.
Ayon sa actors’ guild, ang award ay ipinagkakaloob taon-taon sa isang aktor na kumakatawan sa “finest ideals of the acting profession.”
