![]()
Iginiit ni Chinese Ambassador Jing Quan na madali nilang maipapanalo kung magkaroon ng conflict sa pagitan ng China at Pilipinas.
Gayunman, sinabi ni Jing na hindi naman nila nanaising gumamit ng dahas.
Ginawa ng ambassador ang pahayag matapos tawagin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang China bilang regional troublemaker.
Binanggit ni Jing na maswerte ang Pilipinas na nagkaroon ng kapitbahay tulad ng China sa rehiyon.
Binigyang-diin ng ambassador na nonsense ang troublemaker label gayung ang Pilipinas aniya ang nangha-harass sa mga Chinese workers and teachers.
