dzme1530.ph

PRESIDENTIAL SON AT HOUSE MAJORITY LEADER SANDRO MARCOS, KUMPIRMADONG KASAPI NA NG LAKAS-CMD

Loading

Kumpirmadong nanumpa na bilang bagong kasapi ng partidong Lakas Christian Muslim Democrat o Lakas-CMD si presidential son at House Majority Floor Leader Sandro Marcos.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni House Deputy Speaker Janette Garin at House Lead Prosecutor Gerville Luistro.

Ayon kay Garin, nanumpa si Marcos matapos ang adjournment ng sesyon noong Lunes.

Una nito, lumutang ang balita na si Marcos ang ipapalit kay detained Leyte Rep. Martin Romualdez bilang pangulo ng Lakas-CMD.

Diskarte umano ito para mapigilan ang pamamayagpag muli ni former President Gloria Arroyo bilang House Speaker.

Paghahanda rin umano ito ng partido sa posibleng pagluklok kay House Speaker Faustino Bojie Dy III, na napipisil umanong italaga bilang bise presidente sa oras na ma-convict si VP Sara Duterte ng impeachment court.

Mariin itong pinabulaanan nina Garin at Luistro.

Ayon naman kay Luistro, wala siyang impormasyon na si GMA ang dahilan ng paglipat ni Marcos sa Lakas-CMD.

Maging ang umano’y pagtalaga kay Speaker Dy bilang vice president ay tsismis lamang.

Ang batang Marcos ay dating kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas, na siya ring lapian ni Pang. Bongbong Marcos Jr.

About The Author