![]()
Muling ilalagay sa yellow alert status ang Visayas Grid ngayong araw na ito.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, ipatutupad ang yellow alert mamayang 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Ipinatutupad ang yellow alert kapag hindi sapat ang kapasidad ng transmission.
Sa datos, nasa 2,545 megawatts ang operasyon ng Visayas Grid habang ang peak demand ay nasa 2,471 megawatts.
