![]()
Hindi inayunan ni House private prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin Jay Tolosa Jr. na pasagutin pa ang defense team sa tatlong binawing articles of impeachment.
Para kay Tolosa, wala nang adjudicative purpose ang pagsagot ng defense team sa tatlong isyu dahilan sa hindi na ito kasama sa hahatulan ng impeachment court.
Pagsasayang lang aniya ito ng oras at resources, na taliwas sa layunin ng prosekusyon na mapaigsi ang paglilitis.
May nagmungkahi na pagpatupad ng “middle ground” ang impeachment court para sa defense team ni VP Sara na sagutin pa rin o makapag-rebuttal sa tatlong withdrawn articles.
Malinaw umano ang tanong ni Presiding Officer Francis Escudero sa depensa, kung ano pang legal purpose ng evidentiary presentation gayung hindi na ito kabilang sa dedesisyunan.
Noong Martes, pormal na inabisuhan ng prosekusyon ang Senate Impeachment Court at defense team ang pag-withdraw sa grave threats, misuse of confidential funds, at ang hindi pa natatalakay na bribery.
