![]()
Kinumpirma ni Senador Kiko Pangilinan na agad tinutulan ng senate minority bloc ang posibilidad na ibalik si Senador Francis Chiz Escudero bilang senate president kapalit ni Senador Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Pangilinan na may mga intermediaries na sumubok na ialok sa kanila si Escudero subalit hindi katanggap tanggap para sa kanilang solid bloc 11 na nagtutulak kay Senador Sherwin Gatchalian para maging senate president.
Nang tanungin si Pangilinan kung paano makukuha ang dalawa pang senador na kailangan nila upang mabawi ang liderato, sinabi niyang may mga pag-uusap pa sa kasalukuyan.
Nilinaw naman niya na hindi siya kasama sa mga kasapi ng minority bloc na naatasan o na-assign na mag-explore ng win-win situation at mag backchannel talks.
Ipinaalala pa ni Pangilinan na sa pulitika, mahabang panahon na ang isang linggo para magbago ang mga desisyon.
Umaasa naman si Pangilinan na magkakaron ng epekto sa ilang senador ang public pressure ukol sa pagpapalit ng liderato ng senado.
