dzme1530.ph

₱7.58-BILYONG PONDO PARA SA PEACE AND DEVELOPMENT PROGRAM SA 2027, IPINANUKALA

Loading

Iminungkahi ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱7.58 bilyong pondo para sa PAMANA Program sa 2027 para sa mga komunidad na apektado ng sigalot.
 
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), kabilang sa panukala ang 256 na proyektong pang-imprastraktura at tulong pang-edukasyon para sa 16,150 estudyante.
 
Saklaw din ng programa ang mga proyektong pangkabuhayan, suplay ng tubig, suporta sa agrikultura at pangisdaan, serbisyong pangkalusugan at mga programang para sa mga katutubo.
 
Layunin ng PAMANA na palakasin ang kapayapaan sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo publiko at dagdag na oportunidad sa mga komunidad.
 
Ang ₱7.58 bilyon ay panukalang pondo pa lamang para sa 2027 at hindi pa pinal na aprubado.
 

About The Author