![]()
Tinawag ng Malacañang na “laughable” o katawa-tawa ang panawagan ni Vice President Sara Duterte sa Marcos administration na tigilan na ang pamumulitika at simulan nang magtrabaho.
Ang tinutukoy ng Palasyo ay ang bahagi ng pahayag ng Bise Presidente kung saan inakusahan nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang administrasyon na nagkakalat ng mga kuwento hinggil sa ugnayan niya sa Chinese companies bilang national security issue.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na lubha siyang natawa dahil kabalintunaan ang mga pahayag ni VP Sara.
Aniya, sa dami-dami ng biyahe ng Bise Presidente noong 2025 na halos buwan-buwan at ngayong 2026 na every other month, ay ito pa ang magsasabi na dapat magtrabaho ang gobyerno, gayung ang lahat ng biyahe ni VP Sara ay pawang personal trips.
