dzme1530.ph

10 EMPLOYERS SA TAGUIG, PINATAWAN NG NOTICE OF VIOLATION DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON

Loading

Umabot sa sampung employer sa Taguig ang pinadalhan ng notice of violation ng Social Security System (SSS) dahil sa hindi pagbabayad ng contribution sa kanilang mga empleyado.
 
Ayon kay SSS Senior Vice President for NCR Operation Group Benjamin Dolindo, sa ilalim ng Security Act of 2018, papanagutin ang mga employer na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon.
 
Sinabi ni Dolindo na umabot sa ₱3.9 million ang kabuuang pagkakautang ng sampung employer, kabilang ang ₱2.8 million sa hindi nabayarang kontribusyon at mahigit ₱1.1 million naman sa mga penalties.
 
Kabilang sa mga nilapitan ng SSS Taguig Branch ang mga negosyong restaurant, laboratory, convenience store, barber shop, pagawaan ng noodles, panaderya at retail store sa mga lugar ng Brgy. Bambang, Ususan, Tuktukan, at Bonifacio Global City, Taguig.
 
Sa kabuuan, walong employer ang hindi nag-remit ng buwanang kontribusyon habang dalawa naman ang hindi nagparehistro sa SSS.
 
Aabot naman sa 160 na mga empleyado ang apektado ng hindi pagre-remit ng kontribusyon mula sa kanilang employer.

About The Author