![]()
Ibinida ng Department of Agriculture (DA) na nakapag-secure ang Pilipinas ng 100 million dollars na potential investments para suportahan ang agricultural value chain ng bansa.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na maaaring asahan ng bansa ang malalaking investments mula sa international financial institutions at private sector partners.
Ito’y matapos lumahok ang ahensya sa Hand-in-Hand Investment Forum sa Roma noong nakaraang linggo.
Ipinrisinta ng DA ang 27 proposals, kung saan saklaw ng investment portfolio ang kape, seaweed, mangga, langka, at cocoa.
Ang investment portfolio ay binuo sa pagtutulungan ng DA, United Nations Food and Agriculture Organization, at ng Asian Development Bank.
