![]()
Bumalik si Pope Leo XIV sa St. Peter’s Square, kung saan kinawayan nito ang mga deboto at binasbasan ang mga sanggol mula sa kanyang open-air popemobile.
Nangyari ito sa kanyang first general audience sa Vatican simula nang sumailalim sa lung cancer surgery, walong araw pa lamang ang nakalilipas.
Ang 71-year-old pontiff na nangako noong Linggo na unti-unting ipagpapatuloy ang kanyang mga tungkulin bilang lider ng 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo, tumayo sa likod ng sasakyan habang nakangiting kinawayan at hinintuan ang pilgrims para makausap.
Noong Oct. 13 ay tinanggal ang lower lobe ng kanang baga ng Santo Papa sa pamamagitan ng operasyon matapos ma-diagnose na may lung adenocarcinoma, na pinakakaraniwang uri ng lung cancer.
