dzme1530.ph

MGA OPISYAL NG GOBYERNO NA KONTRA SA CHINA, HINAMON NA PERSONAL NA HARAPIN SI CHINESE AMBASSADOR JING

Loading

Dapat personal na harapin ng mga indibidwal, lalo na ng mga opisyal ng gobyerno na matatapang laban sa China, si Chinese Ambassador Jing Quan.
 
Ito ang hamon ni Sen. Robinhood Padilla matapos niyang makausap nang personal si Jing.
 
Iginiit ni Padilla na walang ginawang pagbabanta ang ambassador at pinutol lamang ang kanyang sinabi at hindi isinama ang bahagi kung saan sinasabi niya na gusto nila ng kapayapaan.
 
Sinabi ni Padilla na siya mismo ang nakipagkita kay Jing at isa sa kanilang napag-usapan ay ang mga naging pahayag ng ambassador.

About The Author