dzme1530.ph

SUPER TYPHOON ROSAL, BAHAGYA PANG HUMINA

Loading

Bahagya pang humina ang Super Typhoon Rosal habang patuloy na kumikilos sa ibabaw ng Karagatan ng Pilipinas sa bahagi ng Batanes.
 
Sa advisory ng PAGASA, as of 11 AM, huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Rosal 400 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
 
Kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
 
Taglay ng Super Typhoon ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot hanggang 230 kilometers per hour.
 
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands.
 
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, Ilocos Norte at Apayao.
 
Kung hindi magbabago ng direksyon at kilos, tinaya ang Super Typhoon Rosal 330 kilometers east ng Itbayat, Batanes mamayang gabi.

About The Author