dzme1530.ph

POLITICAL REFERENCES NG DEFENSE TEAM SA KASO NI DATING PANGULONG DUTERTE SA ICC, TINAWAG NA SURPRISING

Loading

“Surprising” para sa isang law expert ang mga ginamit na political references ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa confirmation of charges hearing sa International Criminal Court. 

 

Sinabi ni Atty. Michael Tiu Jr., Head of UP Law Center International Criminal Law Program, na bagama’t inaasahan na ang ilang bahagi ng proceedings, nakakagulat ang ilang bahagi ng opening statement ng defense team dahil sa pagtalakay sa Philippine politics.

 

Ipinaliwanag ni Tiu na hindi kadalasang naririnig sa mga argumento sa ICC ang pulitika sa isang bansa. 

 

Para kay Tiu, hindi mahalaga ang mga naturang argumento sa mga hukom sa pagtukoy kung may sapat na batayan upang ituloy ang paglilitis.

 

Ang dating anya ng presentasyon ay pakikipag-usap sa taumbayan at hindi sa mga hukom. 

 

Gayunman, iginiit ni Tiu na masyado pang maaga upang tukuyin kung aling panig ang nangibabaw.

About The Author