dzme1530.ph

BUDGET DEPARTMENT, IGINIIT NA WALANG IREGULAR SA ALOKASYON SA FUEL SUBSIDY

Loading

Ibinasura ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga ispekulasyon na may iregularidad sa budget para sa fuel subsidies.
Una nang pinuna ng transport group na PISTON ang paghawak ng gobyerno sa fuel crisis, sa pagsasabing nabigo ito na i-manage ang epekto ng krisis sa langis sa Middle East.
Binigyang-diin ni DBM Undersecretary Goddess Hope Libiran na transparent ang ahensya sa 2.5 billion pesos na kinuha mula sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Ipinaliwanag ni Libiran na ang naturang pondo ay may special provision, na nagsasaad na ang subsidies ay conditional para ma-trigger.
Ito, aniya, ay kapag lumagpas sa 80 dollars per barrel ang presyo ng Dubai crude oil.

About The Author