![]()
Isinasailalim sa fact-finding investigation ng Office of the Ombudsman ang plunder, malversation, at graft complaints na inihain ni dating senador Antonio Trillanes IV laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y maling paggamit ng bilyun-bilyong pisong halaga ng confidential funds.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na alinsunod sa proseso, pagkatapos ng fact-finding ay uusad ang kaso sa preliminary investigation.
Ang tinutukoy ni Clavano ay ang reklamong isinampa noong Enero, kung saan saklaw ang mga naging hakbang ni Duterte noong mayor pa lamang ito ng Davao City at kalaunan ay naging bise presidente at kalihim ng Department of Education.
Idinagdag ng assistant ombudsman na pinag-aaralan nila ngayon kung kailangan pa bang i-endorso ang complaint sa Kamara o direkta na sa Senado.
