![]()
Tahasan sinabi ni Ramil Madriaga na mali ang media report na sa loob lamang ng labing isang (11) araw na-disposed ang 125-M confidential funds ng DepEd noong Dec. 2022.
Sa salaysay nito, wala pang 24 hours naipamahagi niya ang pera at personal niya itong ginawa.
Idinetalye ni impeachment resource person Ramil Madriaga ang umano’y pag-deliver nito ng duffle bags na naglalaman ng cash mula sa confidential funds sa utos ni VP Sara Duterte kabilang ang Dec. 2022 operations.
Bahagi ito ng 24-page sworn supplemental affidavit ni Madriaga na isinumite sa House Committee on Justice.
Sa salaysay nito, umaga ng Dec. 20, 2022, tinawagan umano siya ni VP Sara at inatasan na makipag-coordinate kay Col. Dennis Nolasco, at meron silang delivery sa San Pablo, Laguna sa nightstrip, at sa Ombudsman.
Mula sa unang destinasyon na San Pablo, Laguna, kanyang tinawagan ang numero na ibinigay ni VP Sara at inatasan siya na sa Cabuyao, Laguna na dalahin ang delivery.
Matapos ang Cabuyao Industrial Park delivery, sunod nilang tinungo ang Nommu Basho, isang comedy bar sa Tomas Morato na tinawag nilang “nightstrip,” ang tambayan ng San Sebastian College of Law alumni, kabilang si Asst. Special Prosecutor Ryan Rey Quilala at Atty. Reynold Munsayac.
Dito umano nila dineliver ang 2nd bag na naglalaman ng pera.
