dzme1530.ph

PAGTATANIM, HAHARAP SA HAMON DAHIL SA MATAAS NA PRESYO NG LANGIS, AYON SA DA

Loading

Aminado ang Department of Agriculture na magiging hamon sa mga magsasaka ang kasalukuyang panahon ng pagtatanim dahil sa mataas na presyo ng langis.
 
Sa Kapihan sa Manila Prince, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na apektado ang produksyon dahil gumagamit ng krudo sa makinarya habang tumataas din ang presyo ng abono.
 
Sa ngayon, wala naman aniyang problema sa suplay ng baboy at manok, ngunit nagkakaroon ng isyu sa bentahan ng gulay.
 
Paliwanag ni De Mesa, dumoble ang bayad sa transportasyon kaya’t tumataas ang presyo habang nababawasan ang suplay.
 
Apektado rin ang mga mangingisda dahil sa mahal na krudo, dahilan para hindi na pumalaot ang ilan.
 
Bilang tugon, nagpapatupad ang DA ng fuel assistance, pagpapalakas ng Kadiwa program, at ilalabas ang P10 bilyong pondo para sa cash aid ng mga rehistradong magsasaka at mangingisda.

About The Author