![]()
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na supply ng bigas ang bansa, habang naghahanap ng 30 billion pesos para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng pagtaas ng farm inputs bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mayroong stable na supply ang bansa, at halos mapuno ang warehouses ng National Food Authority (NFA).
Aniya, nasa peak harvest season din ang major exporters, gaya ng India at Vietnam, batay sa current global rice availability.
Idinagdag ng kalihim na sakaling magkaroon man ng problema sa supply ay hindi ito mangyayari ngayong taon.
