![]()
Nanindigan si Ramil Madriaga na hindi siya alien kay VP Sara Duterte at sa pamilya nito.
Sa pagharap ni Madriaga sa House Committee on Justice, sinabi nito na maraming mga nakapaligid sa pangalawang pangulo ang makakapagpatunay na hindi lang siya kilala kundi kilalang-kilala ni VP Duterte.
Naglabas din ng mga larawan si Madriaga kung saan kasama siya sa mga meetings ng ngayo’y VP, kasama ang iba pang tao.
May mga pagkakataon pa umanong magkasama sila sa resort natutulog lalo na noong panahon ng kampanya.
May video din na binabati ni VP Sara si Ramil ng happy birthday, at isang rally kung saan may hawak na bandila ng Pilipinas si Sara at ipinasa niya ito kay Madriaga na tinawag nitong Ram.
