![]()
Kinumpirma ni Ramil Madriaga na makailang ulit siyang nag-deliver ng malaking halaga ng salapi sa ilang indibidwal na konektado sa Office of the Ombudsman.
Kabilang sa tinukoy nitong mga pangalan na binigyan ng malaking halaga ng pera alinsunod sa utos ni VP Sara Duterte at former President Rodrigo Duterte ay si Ombudsman Samuel Martires, at si Assistant Special Prosecutor Ryan Rey Quilala.
Sa supplemental affidavit, inilarawan ni Madriaga ang ganitong gawain bilang discreet “drops” ng sasakyan, pre-arranged parking spots, at limitadong contact, na pangkaraniwan sa tuwing may handling ng malaking halaga ng salapi.
Isa sa detalyadong pangyayari ay nangyari noong December 20, 2022 operation, nang ang team nito ay nagdala ng dalawang bag ng cash sa Office of the Ombudsman compound.
Nanggaling umano ang pera sa DepEd Central Office sa Pasig City, na iniuwi niya sa kanyang bahay sa Cainta, Rizal bago ibinagsak sa Ombudsman parking area umaga ng Dec. 21.
May mga nauna pa umanong deliveries sa Ombudsman kagaya ng personal nitong dinala kay Atty. Ryan Quilala ang halagang 15-M pesos.
Si Quilala o Atty. Ryan ay kinilala nito bilang former professor ni Sara Duterte at former associate dean ng San Sebastian College of Law.
