dzme1530.ph

26 NA MIYEMBRO NG KAMARA, INIIMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN DAHIL SA ANOMALYA SA MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS

Loading

Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nasa 26 na miyembro ng Kamara ang iniimbestigahan dahil sa posibleng pagkakasangkot sa anomalya sa mga imprastraktura ng gobyerno.

 
Sinabi ni Clavano na hawak na ng Ombudsman ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng 26 na kongresista.
 
Nilinaw ni Clavano na hindi ito limitado sa flood control projects.
 
Tiniyak din ni Clavano na hindi sila nagpapabaya sa tungkulin upang papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian lalo na sa flood control mess.
 
Naghain na ang Ombudsman ng tatlong batch ng flood control case simula noong September 2025.
 
Kabilang dito ang mga kasong malversation at graft laban kina dating Cong. Zaldy Co, Sarah Discaya, kasama si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways.

About The Author