dzme1530.ph

PAG-UUSAP NINA FPRRD, VP SARA AT KANILANG MGA KAALYADO PARA SA PAGBABA NI PBBM, ISINIWALAT SA IMPEACHMENT HEARING

Loading

Isiniwalat ni impeachment resource person Ramil Madriaga ang umano’y pag-uusap sa pagitan nina former President Rodrigo Duterte, Vice President Sara at mga kaalyado nito para sa planong pagbaba sa puwesto si PBBM noong 2025.
 
Ito ay para sa pormal umanong pag-upo ni VP Sara bilang pangulo, at pag-uusap sa contingency plans sakaling hindi mag-materialize ang pagtanggal kay Marcos.
 
Sa kanyang salaysay, November 2021 pa nabanggit na umano sa kanya ni PRRD ang pagtakbo ni Bongbong Marcos at magiging running mate nito si Sara, at ilang buwan ang lumipas, magkasamang bumisita sina BBM at Sen. Imee Marcos para pag-usapan ang alyansa nila sa 2022 national elections.
 
Tahasang sinabi ni Madriaga na nagawang kumbinsihin ni BBM si PRRD na maging running mate niya si Sara, subalit nagkasundo rin sila na 2025 boluntaryong bababa sa puwesto si Marcos para sa pag-upo naman ni Sara bilang presidente.
 
Matapos umanong manumpa si Sara bilang vice president, nakipag-usap na agad si PRRD sa ilang retired general ng AFP kung saan present din siya para sa posibleng pag-unseat kay BBM pagsapit ng 2025 sakaling hindi ito tumupad sa usapan.
 
Ang plano, uupo lamang si BBM ng apat na taon, at si Sara ang tatapos hanggang 2028, at puwede pa itong tumakbo muli ng pangulo pagsapit ng 2028.

About The Author