dzme1530.ph

Napaulat na vote buying sa campaign rally sa Hong Kong, bini-beripika pa ng Comelec

Loading

Bini-beripika pa ng Comelec ang mga ulat ng vote buying sa campaign rally sa Hong Kong, kamakailan.

Isiniwalat ni Comelec Chairman George Garcia na nakatanggap ng reports ang kanyang opisina na inalok umano ang mga dumalo sa political rally ng hanggang 200 Hong Kong dollars para iboto nang straight ang partikular na Senatorial slate.

Sa ambush interview sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Garcia na sa ngayon, ay nananatiling “raw” o hilaw ang naturang impormasyon.

Idinagdag ng poll chief na nakikipag-ugnayan na sila sa Consulate sa Hong Kong upang ma-verify ang report.

Kasabay nito ay hinimok ni Garcia ang mga nakasaksi sa umano’y vote buying na i-report ito sa Comelec.

About The Author