![]()
Halos isang oras bago ang special session ng Kongreso, tinanggap na ni Senador Alan Peter Cayetano ang posibilidad na tuluyan nang makakapaghalal ng bagong Senate President.
Sa kanyang mahabang pahayag sa kanyang Facebook, sinabi ni Cayetano na matapos niyang makausap si Senador Joel Villanueva ay tanggap niyang magkakaroon na ng sapat na numero para makapaghahalal ng bagong lider ng Senado.
Sinabi ni Cayetano na hindi niya haharangin ang botohan lalo’t wala naman aniyang leadership sa demokrasya ang permanente.
Ang bawat tanggapan aniya na hinahawakan ng bawat isa ay maituturing lamang na loan at hindi possession.
Sa sinuman aniyang mahahalal na bagong Senate President, ipinararating na niya ang kanyang pagbati kasabay ng pagtitiyak ng kooperasyon.
Pinasalamatan naman niya ang lahat ng mga nanatili sa kanyang panig kasabay ng pagtitiyak na wala siyang sama ng loob sa tinawag niyang brother na walang choice kundi ang tanggapin din ang realidad at nagdesisyong lumipat.
