![]()
Buo pa rin ang pag-asa ng Philippine National Police (PNP) na susuko si Senador Ronald Bato Dela Rosa sa mga awtoridad matapos isuko ang mga armas na nakarehistro sa ilalim ng kanyang pangalan.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsuko ng kampo ni Dela Rosa ng 20 armas ay senyales ng kanyang kooperasyon.
Sa kabila nito, hindi naman aniya titigil ang pulisya sa kanilang operasyon sa paghahanap sa senador.
Nanawagan din ang heneral sa mambabatas na sumunod sa legal processes kabilang ang pagsuko ng natitira pa niyang mga armas.
Matatandaang tumakas sa Senado si Dela Rosa makaraang kumpirmahin ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court.
