dzme1530.ph

DEBRIS MULA SA INILUNSAD NA CHINESE ROCKET, POSIBLENG BUMAGSAK SA BAHAGI NG WEST PHILIPPINE SEA

Loading

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) ng posibleng pagbagsak ng debris mula sa inilunsad na Long March 3B rocket ng China sa karagatan malapit sa Palawan at Rozul Reef sa West Philippine Sea.
 
Ayon sa PhilSA, pinakawalan ang Long March 3B rocket sa Xichang Satellite Launch Center sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture sa Sichuan, 5:45 p.m., kahapon.
 
Sinabi ng ahensya na may posibilidad na lumutang ang debris sa dagat at tangayin patungo sa mga kalapit na baybayin.
 
Pinayuhan ng PhilSA ang publiko na mag-ingat sa posibleng panganib ng debris at huwag itong lapitan o hawakan dahil posibleng may taglay itong toxic substances gaya ng rocket fuel.

About The Author