dzme1530.ph

SENATORS JOEL VILLANUEVA AT CHIZ ESCUDERO, PINURI SA PAPEL SA PAGSASAAYOS NNG LIDERATO SA SENADO

Loading

Kinilala ni Senador Panfilo Ping Lacson ang mahalagang papel na ginampanan nina Senador Joel Villanueva at Chiz Escudero upang tuluyang maisaayos ang liderato ng Senado.

Pinasalamatan ni Lacson sina Escudero at Villanueva sa pagtugon nila sa kanilang “higher calling” ng mataas na kapulungan.

Kapuri-puri aniya ang pagtugon ng dalawa sa kanilang obligasyon higit pa sa kanilang pakikipagkaibigan, affiliation at kanilang sariling kapakanan.

Si Villanueva ang kumumpleto sa 13 senador sa pagdalo niya sa special session ngayong araw na ito upang maihalal na si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President.

Matatandaan namang si Escudero ang ika-labindalawang senador na bumuo sa quorum ng Senado noong June 3 upang maisakatuparan ang sesyon matapos ang dalawang araw na boycott ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano.

About The Author