![]()
Tinawag ni Senador Panfilo Ping Lacson na desperadong dirty tactic ni Senador Alan Peter Cayetano ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema sa isyu ng liderato sa Senado, isang araw bago ang special session.
Sinabi ni Lacson na dapat ay matagal nang inihain nina Cayetano ang petition for certiorari upang nabigyan ng sapat na panahon ang Korte Suprema upang resolbahin ito.
Tanong pa ni Lacson kung may iba pang dirty tactics na isasakatuparan si Cayetano upang igiit pa rin ang awtoridad bilang Senate President.
Una nang sinabi ni Lacson na handa ang majority bloc sa anumang planong aksyon ng Cayetano bloc sa special session.
Idinagdag pa ni Lacson na hindi tamang sabihin ni Cayetano na may krisis sa Senado dahil ang totoo, siya mismo ang krisis.
