dzme1530.ph

PROUD NA NI-REPRESENT NI JO KOY ANG FILIPINO COMMUNITY NANG IHAGIS ANG CEREMONIAL FIRST PITCH SA DODGER STADIUM SA IDINAOS NA FILIPINO HERITAGE NIGHT

Loading

Proud na ni-represent ni Jo Koy ang Filipino community nang ihagis ang ceremonial first pitch sa Dodger Stadium sa idinaos na Filipino Heritage Night.
Sa Instagram, ibinahagi ng Filipino-American comedian ang mga litrato at videos mula sa event upang ipasilip sa fans ang kanyang experience.
Hinighlight din ni Jo Koy ang iba pang Filipino traditions na itinampok sa laro, kabilang ang performances ng Filipino folk dances at musical numbers.
Inanunsyo noong Marso na kabilang si Jo Koy sa voice cast ng “Forgotten Island,” kasama sina Dolly de Leon, Liza Soberano, Lea Salonga, at marami pang iba.
Sa ilalim ng direksyon ni Januel Mercado, ang “Forgotten Island” ay isang comedy adventure na magdadala sa bida ng pelikula sa matagal nang nakalimutan at mahiwagang isla na nag-ugat sa Philippine mythology.

About The Author