![]()
Tila naging mas malapit si Daniel Padilla sa pamilya ni Kaila Estrada nang makasama ito sa pagdiriwang ng 53rd birthday ng ama ng aktres na si John Estrada.
Kabilang si Daniel sa mga dumalo sa intimate birthday party ni John na makikita sa Instagram page ng beteranong aktor.
Nilagyan ni John ng caption ang mga larawan mula sa kanyang birthday celebration ng “Celebrating life with my tribe.”
Nakipag-bonding ang nakababatang aktor sa mga kapatid ni Kaila na sina Inah, Moira, Yuan at Anechka, pati na sa boyfriend ni Inah na si Jake Vargas at boyfriend ni Moira na si Alfonso Miguel.
Sa hiwalay na video na kuha mula sa party at ni-reshare ng fan pages sa social media, makikitang nakikipag-shake hands si Daniel kay John.
Bagaman hindi pa kinukumpirma nina Daniel at Kaila ang kanilang relasyon, naniniwala ang fans na na-hard launch na ng dalawa ang kanilang status.
