dzme1530.ph

SEN SHERWIN GATCHALIAN, NAHALAL BILANG IKA-LIMANG SENATE PRESIDENT SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI PANGULONG BONGBONG MARCOS

Loading

Tuluyan nang nahalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President sa isinagawang special session ngayong araw na ito.

Kabuuang 13 senador ang dumalo sa special session kasama si Senador Joel Villanueva.

Ito sa pamamagitan ng mosyon ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri at unanimous ang naging boto para kay Senate President Gatchalian.

Sa kanyang panunumpa bilang lider ng Senado kay Senador Vicente Tito Sotto III, sumuporta rin kay Gatchalian ang mga dating Senate Presidents na sina Migz Zubiri at Chiz Escudero.

Inihalal naman ng mga senador si Sotto bilang Senate President Pro Tempore alinsunod sa nominasyon ni Senador Panfilo Lacson.

No show sa special session ang minority bloc ng Senado.

Hindi nagpakita sa Senado sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Rodante Marcoleta, Camille Villar, Mark Villar, Robin Padilla at Loren Legarda.

Si Senador Mark ay nasa labas ng bansa for personal reason.

About The Author