dzme1530.ph

PAGSISINUNGALING NG 18 NA DATING BODYGUARDS NI ZALDY CO, PALALA NANG PALALA

Loading

“Palala nang palala ang pagsisinungaling nila para lituhin at ilihis ang atensyon ng taumbayan.”
Yan ang sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima sa ginawang presscon ng tinaguriang “18 former bodyguard” ni Zaldy Co.
Idinaan ni de Lima sa X ang kanyang reaksyon, at gaya ng mga nauna nitong sinabi, puro kasinungalingan ang mga paratang ng grupo.
Unang ipinangalandakan ni dating congressman Mike Defensor na public hearing ng Senate Blue Ribbon ni Sen. Pia Cayetano ang aktibidad sa Mandaluyong City, na kalaunan ay hindi pala.
Nauwi ito sa question and answer kung saan si Defensor ang nagsilbing moderator at madalas nagtatanong sa 18 dating bodyguard.

About The Author