![]()
Hindi makakaapekto sa mandato ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang sanctions na ipinataw ng China sa kanya.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kasabay ng pagbibigay-diin na ginagampanan lamang ni Teodoro ang kanyang tungkulin, alinsunod sa batas ng Pilipinas, Konstitusyon, at polisiya ng Marcos administration.
Una nang pinagbabawalan ng China ang pagpasok ni Teodoro at pamilya nito sa mainland China, Hong Kong at Macau, gayundin ang pakikipag-transaksyon sa kanya ng sinumang Chinese organizations o individuals.
Inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang hakbang ng China bilang “unfriendly act” at makadaragdag pa sa komplikasyon sa pagitan ng Manila at Beijing.
Inihayag naman ni Teodoro na ang sanctions laban sa kanya ay karaniwan nang parusa sa mga nagsasalita tungkol sa panlilinlang ng China.
