dzme1530.ph

Former Iloilo City Mayor Jed Mabilog, maaari na muling kumandidato matapos bigyan ng clemency

Abswelto si Former Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa administrative penalties at disabilities kaugnay ng kasong administratibo sa Ombudsman.

Ito ay matapos siyang bigyan ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, dahil sa clemency ay maaari na muling bumalik sa gobyerno si Mabilog kung kanyang nanaisin.

Pwede na rin siyang muling tumakbo sa Eleksyon.

Mababatid na noong 2017 ay ipinag-utos ng Ombudsman ang pagpapatalsik sa pwesto kay Mabilog, kanselasyon ng kanyang civil service eligibility at retirement benefits, at perpetual disqualification sa public office.

Ito ay bahagi ng resolusyon sa kasong dishonesty at grave misconduct hinggil sa hindi maipailiwanag na ₱8-M na nadagdag sa kanyang yaman batay sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth noong 2013.

Gayunman, ang lahat ng parusang ito ay ipinawalang-bisa na dahil sa clemency.

Sinabi naman ni Executive Sec. Lucas Bersamin na binigyan ng clemency si Mabilog dahil sa kanyang long standing commitment sa good governance, kaakibat ng mga nakamit na parangal at pagkilala ng Iloilo City sa ilalim ng kanyang liderato. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author