dzme1530.ph

BTS MEMBER JIN, SASABAK SA SOUTH KOREA MILITARY SERVICE SA SUSUNOD NA LINGGO

Sasabak na ang BTS member na si Jin sa Mandatory Military Service ng South Korea sa susunod na buwan.
Ayon sa Yonhap News Agency, sa December 13 ay sisimulan ni Jin ang limang linggo na training sa Yeoncheon, Gyeonggi Province.
Matapos ito ay idedeploy siya sa frontline unit.
Naging emosyonal naman ang maraming fans at karamihan sa kanila ay nag aalala sa kaligtasan ni Jin.
Matatandaang inanunsyo ng Big Hit Music na nakatakda nang sumabak sa military service ang lahat ng BTS Members kabilang sina Rm, Suga, Jhope, Jimin, V, at Jungkook.
Inaasahang muling magsasama-sama ang grupo sa 2025 pagkatapos ng Military Service.

About The Author